Manila, Philippines – Patuloy na umiiral ang easterlies nanagdadala ng mainit na panahon sa silangang bahagi ng bansa.
Namataan naman ang trough o buntot ng Low Pressure Area (LPA) nanakakaapekto sa silangang bahagi ng bansa.
Ang LPA ay namataan sa layong 1035 kilometers silangang,timog-silangan ng Mindanao na nasa labas pa ng Philippine Area of Responsibility.
Sa Mindanao, may mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan lalo nasa Davao Region at SOCCKSARGEN.
Sa Visayas, bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin angmasasaksihan pero magkakaroon pa rin ng pag-ulan na may kasamang pagkulog atpagkidlat sa dakong hapon o gabi.
Maaliwalas na panahon ang asahan sa halos buong Luzon kasama naang Metro Manila.
Agwat ng temperatura sa Metro Manila sa 25 hanggang 35 degrees Celsiushabang ang heat index o init na mararamdaman ay aabot sa 39 degrees Celsius.
Sunrise: 05:30 ng umaga
Sunset: 06:14 ng gabi
Weather Report
Facebook Comments