Manila, Philippines – Patuloy pa ring uulanin ang ilang bahagi ng Mindanao ngayong araw dulot ng Intertropical Convergence Zone (ITCZ).
Asahan ang madalas na pag-ulan sa bahagi ng Maguindanao, Bukidnon, Misamis Oriental at Zamboanga Sibugay.
Kasabay nito, nag-umpisa na ring umiral ang southwest wind flow o yung mainit at basang hangin na magdadala ng pag-ulan sa ilang bahagi ng Luzon.
Mataas ang tyansa ng ulan sa Tuguegarao, Baguio, Aurora maging sa kamaynilaan.
Maaliwalas naman ang panahon sa buong Visayas.
Agwat ng temperatura sa Metro Manila mula 27 hanggang 34 degrees Celsius.
*Sunrise: 05:28 ng umaga*
*Sunset: 06:17 ng gabi*
DZXL558
Facebook Comments