Manila, Philippines – Titindi pa ang mainit at maalinsangang panahong mararanasan ngayong buwan ng Mayo.
Sa Luzon, maalinsangan sa Cabanatuan, Nueva Ecija na may 43°c na heat index at sa Dagupan na may 42°c heat index.
Pero asahan ang mga saglit na mahihinang ulan sa Aurora, Quezon Province at Mimaropa.
Sa Visayas, mainit sa Tagbilaran, Bohol na may 39°c heat index pero asahan pa rin ang mga isolated thunderstorms sa buong rehiyon.
Sa Mindanao, aabot sa 43°c ang heat index sa Cotabato City habang magkakaroon pa rin ng pag-ulan sa Caraga, Davao at Soccsksargen.
Pinapayuhan na huwag magbilad sa araw mula alas-10:00 ng umaga hanggang alas-3:00 ng hapon dahil ito ang oras na may nakapapasok init.
Kung hindi maiiwasan ay palagiang magdala ng pananggala sa araw.
*Sunrise: 5:33 ng umaga*
*Sunset: 6:13 ng gabi*