Manila, Philippines – Nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility ang Low Pressure Area na nasa silangang bahagi ng Batanes.
Dahil dito, wala ng direktang epekto ang naturang lpa sa bansa maliban sa pagpapalakas ng habagat.
Gayunman, asahan pa rin ang thunderstorm sa malaking bahagi ng bansa.
Magiging maghapong maulan sa rehiyon ng Ilocos at sa buong Southern Luzon.
Asahan rin ang thunderstorm sa buong Luzon pagsapit ng hapon.
Magiging maulan rin sa malaking bahagi ng Visayas kasama ang Panay Island at Eastern Visayas.
Iiral naman ang mahinang pag-ulan sa Sulu archipelago habang magiging maulan na sa halos buong Mindanao pagsapit ng hapon.
*Sunrise – 5:27 am*
*Sunset – 6:19 pm*
* DZXL558*
Facebook Comments