Manila, Philippines – Tinatayang papasok sa loob ng Philippine Area of Responsibility ang bagyong may international name na ‘Talim’.
Ayon sa PAGASA, namataan ang sentro ng bagyo sa layong 1,745 kilometro sa silangan ng Luzon.
Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 80 kilometro bawat oras at pagbugso ng hangin na nasa 95 kilometer per hour.
Inaasahang tatahakin nito ang direksyon west-northwest sa bilis na 20 kilometro bawat oras sa bahagi ng extreme Northern Luzon.
At sa oras na pumasok ito sa teritoryo ng bansa, tatawagin itong bagyong Lannie.
Bukod sa naturang bagyo ay may isa pang Low Pressure Area ang nabuo sa 505 kilometro northeast ng Borongan Eastern Samar.
Facebook Comments