Weather Update!

18

Manila, Philippines – Magdadala ng mahihina hanggang sa katamtamang pag-ulan ang Intertropical Convergence Zone sa malaking bahagi ng bansa.

Sa Luzon, asahan ang maulang panahon partikular sa MIMAROPA region pero maaliwalas sa nalalabing bahagi kasama na ang Metro Manila.

Maganda ang panahon sa Visayas pero may mga posibilidad ng isolated thunderstorms.

Sa mindanao, buong araw uulanin ang Zamboanga at Sulu at asahan ang isolated thunderstorms sa Northern Mindanao at CARAGA region.

Ligtas namang maglayag sa alinmang baybayin sa bansa dahil walang nakataas na gale warning.

Agwat ng temperatura sa Metro Manila mula 25 hanggang 32 degrees celsius.

*Sunrise: 5:45 ng umaga*
*Sunset: 5:57 ng gabi*

Facebook Comments