Manila, Philippines – Isang Low Pressure Area ang binabantayan sa loob ng Philippine Area of Responsibility.
Namataan ito sa 390 kilometro ng silangan ng Alabat, Quezon.
Pero ayon sa PAGASA, mababa pa ang tyansa na maging bagyo ang nasabing LPA.
Dahil dito, asahan na ang mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan sa Bicol Region.
Maaliwalas na panahon naman ang iiral sa Metro Manila at sa nalalabing bahagi ng Luzon maliban nalang sa hapon o gabi na makakaranas ng localized thunderstorm.
Maulap na kalangitan rin na may mahina hanggang sa katam-tamang pag-ulan ang asahan sa kabisayaan at sa Mindanao kasama ang Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao at CARAGA.
Sunrise: 5:45 am
Sunset: 5:55 pm
Facebook Comments