Manila, Philippines – Patuloy na binabantayan ng pagasa ang Low Pressure Area na nasa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Huling nakita ang LPA, 930 kilometers silangan ng Alabat, Quezon.
Apektado pa ng extension ng lpa ang halos buong bansa partikular ang Bicol Region at Palawan.
Ang natitirang bahagi ng Luzon kamasa na ang Metro Manila ay makararanas lamang ng isolated rain shower at.
Ligtas naman mangisda dahil walang nakataas na gale warning.
Temperatura sa Metro Manila maglalaro mula 26 hanggang 33 degrees Celcuis.
Samantala, mas mahabang gabi na ang mararanasan sa bansa pagkatapos ng autumnal equinox na magaganap sa September 23, Sabado.
Sa kasagsagan ng autumnal equinox ay magiging pantay ang haba ng araw at ng gabi sa buong planeta.
Dahil dito, mas mahahabang gabi na ang mararanasan hindi lang sa Pilipinas kundi sa lahat ng mga bansa sa northern hemisphere.
Sunrise – 5:45am
Sunset – 5:55pm