Manila, Philippines – Nanatili ang Low Pressure Area (LPA) sa karagatan.
Huli itong namataan sa 500 kilometro silangan ng Casiguran, Aurora.
Maliit ang tyansa na maging isang ganap itong bagyo.
Pero ang buntot o extension ng lpa ang magdadala ng pag-ulan sa malaking bahagi ng Visayas at Mindanao kasabay ng umiiral na Intertropical Convergence Zone (ITCZ).
Pero sa Luzon kasama ang Metro Manila, maging maaraw pa rin ang panahon dahil walang nakikitang kaulapan sa rehiyon.
Agwat ng temperatura sa Metro Manila mula 26 hanggang 32 degrees celsius.
*Sunrise: 5:45 ng umaga*
*Sunset: 5:54 ng hapon*
Facebook Comments