Weather Update!

Manila, Philippines – Nalusaw na ang Low Pressure Area (LPA) na namuo sa loob ng Philippine Area of Responsibility.
Pero ayon sa weather bureau, asahan pa rin ang pag-ulan sa Southern Luzon, Visayas at Mindanao dahil sa hanging habagat.
Asahan din ang maghapong pag-ulan sa MIMAROPA at Bicol Region.
Magkakaroon naman ng localized thunderstorm sa Metro Manila at sa nalalabing bahagi ng Luzon.
Makakaranas din ng isolated rain shower sa halos buong Visayas lalo na sa Panay at Negros Island.
Fair weather naman ang asahan sa Zamboanga Peninsula Sulu, CARAGA at Northern Mindanao.

Sunrise – 5:45 am
Sunset – 5:53 pm

Facebook Comments