Weather Update!

Manila, Philippines – Patuloy na makakaranas ng mga pag-ulan ang buong Luzon at Western Visayas dahil sa Low Pressure Area at hanging habagat.

Huling namataan ang Low Pressure Area sa 40 kilometro ng hilaga, hilagang silangan ng Alabat, Quezon.

Mababa naman ang tyansang maging bagyo ang nasabing LPA pero inaasahang tatawirin nito ang Luzon at nagpapalakas sa hanging habagat.


Asahan na ang mahina hanggang sa minsan may kalakasang ulan sa buong Luzon na posibleng magdulot ng flashflood at landslide.

Kalat kalat na pag-ulan na may kalakasan naman ang iiral sa western section ng Visayas.

Magkakaroon naman ng isolated thunderstorm ang Central at Eastern Visayas pagsapit ng hapon o gabi.

Magandang panahon naman ang inaasahan sa Mindanao pero posibleng magkaroon ng thunderstorm sa hapon o gabi.

*Sunrise: 5:45 am*
*Sunset: 5:51 pm*

Facebook Comments