Manila, Philippines – Asahan ang unti-unting pagganda ng panahon sa malaking bahagi ng bansa.
Ito’y matapos lumayo ang Low Pressure Area (LPA) na huling namataan sa layong 370 kilometers kanluran-hilagang kanluran ng Coron, Palawan.
Asahan pa rin ang maulang panahon sa Luzon lalo na sa Ilocos, Cordillera, La Union at Pangasinan.
Ang Metro Manila ay mataas ang posibilidad na ulanin sa hapon o gabi.
Maaliwalas na rin ang panahon sa Visayas.
Sa Mindanao, bagamat maaliwalas ang panahon na magkakaroon pa rin ng mga isolated thunderstorms.
Agwat ng temperatura sa Metro Manila mula 26 hanggang 32 degrees celsius.
Sunrise: 5:45 ng umaga
Senset: 5:48 ng hapon
Facebook Comments