Weather Update!

Manila, Philippines – Magdadala pa rin ng pag-ulan sa ilang bahagi ng bansa ang Intertropical Convergence Zone (ITCZ).

Sa Luzon, asahan ang maulang panahon sa mga rehiyon ng MIMAROPA, CALABARZON, Bicol at lalawigan ng Aurora.

Mainit at maalinsangang panahon sa buong Visayas.


Maalinsangan din ang panahon sa Mindanao pero magkakaroon ng mga isolated thunderstorms pagdating ng hapon o gabi.

Ang Metro Manila ay asahan ang mga mahihinang pag-ulan na hindi magtatagal.

Ang temperatura sa kamaynilaan ay maglalaro mula 24 hanggang 32 degrees celsius.

*Sunrise: 5:46 ng umaga*
*Sunset: 5:44 ng hapon*

Facebook Comments