Weather Update!

Manila, Philippines – Namuo sa loob ng Philippine Area of Responsibility ang isang Low Pressure Area.

Huling namataan ito sa 420 kilometers ng Silangan ng Casiguran, Aurora na inaasahang tatawirin nito ang hilaga at gitnang Luzon.

Mababa ang tyansang maging ganap itong bagyo pero posible itong magdala ng malakas na ulan sa Cordillera, Bilacan, Nueva Ecija, Pampanga at Zambales.


Dahil dito, asahan na ang isolated thunderstorm sa Ilocos region at Cagayan Valley.

Apektado naman ng Intertropical Convergence Zone (ITCZ) ang Metro Manila, Cavite, Batangas, MIMAROPA, Western Visayas at Zamboanga Peninsula.

Agwat ng temperatura sa Metro Manila mula 26 hanggang 32 degrees celsius.

*Sunrise: 5:46 ng umaga*
*Sunset: 5:43 ng hapon*

Facebook Comments