Manila, Philippines – Magiging maulan ang panahon sa Luzon dahil sa Low Pressure Area na nasa bisinidad ng Natonin, Mountain Province.
Asahan ang mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan sa Cagayan Valley, Cordillera Region, Ilocos at lalawigan ng Aurora.
Maulap ang panahon sa Metro Manila at sa Central Luzon pero asahan ang mga isolated thunderstorms.
Mainit at maalinsangang panahon sa bahagi ng MIMAROPA at Bicol Region.
Sa kubuhuan naman ng Visayas at Mindanao at maaliwalas ang panahon pero magkakaroon ng mga pag-ulan na hindi magtatagal.
Pinag-iingat naman ang mga maglalayag sa mga baybayin ng hilagang Luzon dahil magiging katamtaman hanggang sa maalon ang mga karagatan.
Agwat ng temperatura sa Metro Manila mula 25 hanggang 31 degrees celsius.
Sunrise: 5:46 ng umaga
Sunset: 5:43 ng hapon