Manila, Philippines – Hindi pa man opisyal na tag-ulan ay umiiral na ang hanging habagat na nakakaapekto sa kanlurang bahagi ng Luzon at Visayas.
Asahan ang pag-ulan sa mga rehiyon ng Ilocos, Cordillera, MIMAROPA, CALABARZON at Bicol habang magiging maulap sa Cagayan, Batanes, Zambales at Bataan.
Makakaranas din ng mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan sa Iloilo at Negros Island region habang maaliwalas na panahon ang asahan sa natitirang bahagi ng Visayas.
Sa Mindanao, maaliwalas din ang panahon ang mararanasan na may tyansa ng pag-ulan sa hapon o gabi.
Sa Metro Manila, magiging maganda ang panahon ngayong weekend.
Agwat ng temperatura sa Metro Manila mula 27 hanggang 32 degrees Celsius
*Sunrise: 5:26 ng umaga*
*Sunset: 6:20 ng gabi*
* DZXL558*