Weather Update

Manila, Philippines – Nakataas ngayon ang heavy rainfall warning sa mga lalawigan sa Visayas dahil sa nararanasang malakas na ulan.

Orange warning level ang itinaas ng pagasa sa Eastern Samar, Samar, Biliran. Leyte, at Southern Leyte.

Ang mga lugar na ito ay makaranas ng pagbaha at pagguho ng lupa.


Samantala, napanatili ng bagyong PAOLO ang kanyang lakas habang kumikilos pahilaga – kanluran sa bilis na labing limang kilometro kada oras.

Ang mata ng bagyong Paolo ay namataan sa layong 945 kilometers kanluran ng Infanta Quezon at taglay pa rin nito ang lakas ng hangin na aabot sa 120 kph at pagbugso na sanasa 145kph.

Dahil sa bagyo, nagsuspinde na ng klase mula pre-school hanggang high school sa Negros Oriental.

Habang wala nang pasok sa lahat ng antas sa Siquijor at Zamboanga City.

Facebook Comments