Manila, Philippines – Asahan ang maulang weekend sa Visayas at Mindanao dahil pa rin sa bagyong Paolo.
Huling nakita ang sentro ng bagyong paolo sa layong 925 kilometers silangan ng Basco, Batanes.
Lumakas pa ang taglay nitong hangin na umaabot sa 160 kilometers per hour malapit sa gitna at bugsong 195 kph.
Kumikilos ito north-north-east sa bilis na 17 kph.
Ayon sa weather bureau, sumama na sa sirkulasyon ng typhoon Paolo ang Low Pressure Area (LPA) na huling namataan sa timog ng Mindoro.
Inaasahang lalakas pa ito pero, mababa na ang tyansa na mag-landfall sa alinmang panig ng bansa at maaring lumabas sa philippine area of responsibility mamayang hatinggabi o bukas ng madaling araw.
Ngayong araw, nakakaapekto ito sa MIMAROPA, Zamboanga Peninsula, halos buong Visayas at Mindanao.
Nakataas naman ang thunderstorm advisory sa Metro Manila kung saan posibleng makaranas ng mga pag-ulan hanggang sa susunod na tatlong oras.
Mananatili din ang mataas ang alon sa lahat ng baybayin sa bansa at delikado pa ring pumalaot ang may maliliit na sasakyan pandagat.
*Sunrise – 5:48 am *
*Sunset – 5:33 pm *