Weather Update

Manila, Philippines – Nanatiling nasa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang tropical storm ‘Saola’.

Namataan ito sa layong 1,405 kilometers silangan ng Southern Luzon.

May taglay itong lakas na hanging aabot sa 80 kilometers per hour at pagbugsong aabot sa 95 kilometers per hour.


Kumikilos ito pahilagang kanluran sa bilis na 25 kilometers per hour.

Inaasahang papasok ito mamayang hapon o bukas at tatawagin itong bagyong ‘quedan’.

Intertropical Convergence Zone (ITCZ) pa rin ang magpapaulan sa Palawan, ilang bahagi ng Visayas at malaking bahagi ng Mindanao.

Magandang panahon naman ang asahan sa Metro Manila na may temperaturang maglalaro mula 24 hanggang 32 degrees celsius.

*Sunrise: 5:49 ng umaga*
*Sunset: 5:30 ng hapon*

Facebook Comments