Manila, Philippines – Lumakas pa ang severe tropical storm ‘Quedan’.
Nakita ito sa layong 915 kilometers silangan ng Basco Batanes.
Mayroon siyang lakas na hanging aabot sa 90 kilometers per hour at pagbugsong 115 kilometers per hour.
Kumikilos ang bagyo pa hilagang kanluran sa bilis na 21 kilometers per hour.
Magdala ng payong dahil magiging maulang pasyalan ang Calvary hill sa Iguig, Cagayan, Cordillera at sa Ilocos Region.
Patok ang Bicol express sa maulang panahon sa Bicol region maging ang sa palawan ay uulanin din.
Magandang magselfie sa chocolate hills sa bohol dahil maaliwalas ang panahon sa buong Visayas.
Sa mga papasyal sa Davao crocodile farm, magdala rin ng pananggala sa ulan dahil magiging maulan kasama na ang ARMM, Zamboanga Peninsula at Caraga Region.
Maaliwalas ang panahon sa Metro Manila para sa mga uuwi ng probinsya ngayong undas.
Iwas-muna sa paglalayag sa hilaga at silangang baybayin ng northern luzon.