Weather Update

Manila, Philippines – Napanatili ng severe tropical storm Quedan ang lakas nito pero bahagyang bumagal habang kumikilos palabas ng bansa.

Huling namataan ang bagyo sa layong 795 kilometers east ng Basco, Batanes.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 90 kilometers per hour at pagbugsong 115 kph.


Bukas ng umaga, inaasahang lalabas ng bansa ang bagyo patungo sa southern islands ng Japan.

Pero habang papalabas, pwede pa itong lumakas at maging typhoon.

Uulanin naman ang Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, CARAGA at palawan dahil sa umiiral na Inter Tropical Convergence Zone.

Samantala, nakatakda nang ideklara ng PAGASA sa susunod na linggo ang pagpasok ng hanging amihan.

Gayunman, apat hanggang limang bagyo pa ang posibleng pumasok sa Philippine Area of Responsibility bago matapos ang taong 2017.

Facebook Comments