Manila, Philippines – Asahan ang posibleng pagbaha at pagguho ng lupa sa ilang bahagi ng Luzon.
Ito’y dahil sa mga nakikitang kaulapan dala ng hanging amihan na magdadala ng katamtaman hanggang sa paminsan-minsang pag-ulan sa Cagayan Valley, Cordillera, Ilocos Region, Central Luzon.
Sa Visayas at Mindanao, magiging maaliwalas ang panahon.
Sa Metro Manila, mataas din ang tiyansa ng pag-ulan ngayong araw.
Agwat ng temperatura sa Metro Manila mula 26 hanggang 32 degrees celsius.
Sunrise: 5:53 ng umaga
Sunset: 5:26 ng hapon
Facebook Comments