Weather Update

Manila, Philippines – Umiiral pa rin ang hanging amihan na lubos na nakakaapekto sa dulong hilagang Luzon.

Tail end of cold front naman ang nakakaapekto sa gitna at silangang Luzon.

Magiging maulan ang panahon sa lalawigan ng Cagayan, Isabela, Quirino, Nueva Viscaya, Quezon Province at Aurora.


Sa nalalabing bahagi ng Luzon kasama na ang Metro Manila ay magiging maaliwalas ang panahon.

Sa Visayas, bagamat maaliwalas ang panahon inaasahan pa rin ang mga paminsan-minsang thunderstorms.

Mayroon namang isolated thunderstorms sa Mindanao lalo na sa Davao at SOCCSKSARGEN region.

*Temperatura sa key cities:*

Metro Manila – 27°C
Metro Cebu – 27°C
Metro Davao – 24°C

Facebook Comments