Manila, Philippines – Namamayagpag ang easterlies na magdadala ng pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa.
Kumaway sa *Paoay Sand Dunes *sa Laoag City habang may mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan sa hilagang Luzon.
Magandang lumangoy sa *Vervidia Falls *sa Bulacan dahil maaliwalas ang panahon sa natitirang bahagi ng Luzon kasama na ang Metro Manila.
Bisitahin ang *Negros Museum* sa Bacolod City kahit may isolated rain shower sa halos buong Visayas.
Mag-trek sa *Manga Falls* sa Pagadian kasabay ng maghapong mahihinang pag-ulan sa buong Mindanao.
Samantala, magiging maulan ang holiday season dahil sa posibleng pag-iral ng la niña sa Disyembre.
Ang “la niña” ay isang ‘weather phenomenon’ kung saan mararanasan ang mas maraming pag-ulan, mas malamig na temperatura at mas malakas na hangin mula silangan.
*Temperatura:*
Metro Manila – 26°C
Cebu City – 27°C
Davao City – 24 °C