Weather Update

Manila, Philippines – Malakas pa rin ang pagbuga ng hanging amihan sa extreme northern Luzon.
Kasabay nito, umiiral pa rin ang tail end of cold front sa silangang bahagi ng northern at Central Luzon.
Asahan ang maghapong ulan sa Cagayan Valley, Aurora at Quezon, Mimaropa at Bicol Region.
Maaliwalas ang panahon sa Visayas maliban sa maghapong ulan sa Samar at Leyte.
May mahihina hanggang sa katamtamang pag-ulan sa Caraga at Davao region.

Posibleng magkaroon ng thunderstorms sa Metro Manila sa hapon.
Mataas pa rin ang alon sa Batanes, Ilocos Norte at Cagayan.
Agwat ng temperatura sa Metro Manila mula 25 hanggang 33 degrees celsius.

Sunrise: 6:05 ng umaga
Sunset: 5:25 ng hapon


Facebook Comments