Weather Update

Manila, Philippines – Makakaranas ng maulap at kalat-kalat na pag-ulan na may kasamang pagkulog at pagkidlat ang ilang lugar sa Quezon province.

Maging ang ilang lugar sa Metro Manila ay makakaranasa ng isolated thunderstorm sa hapon.

Ang Bicol Region, Eastern Visayas at silangang bahagi ng Luzon ay makakaranas din ng kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat.


Mapanganib naman na pumalaot ang mga maliliit na sasakyang pandagat sa hilaga at kanlurang bahagi ng hilagang Luzon kung saan nakataas pa rin ang gale warning dito dahil sa hanging amihan na siyang nakakapaekto sa baybaying dagat.

Agwat ng temperatura sa Metro Manila mula 25 hanggang 33 degrees celsius habang sa metro Cebu ay 26 to 32 degree Celsius.

Sunrise: 6:05 ng umaga
Sunset: 5:25 ng hapon

Facebook Comments