Manila, Philippines – Lalo pang lumakas ang hanging amihan na umaabot na sa Northern at Central Luzon.
Mararamdaman din ang lamig ng hanging amihan sa Visayas.
Maghapon ang ulan sa Cagayan Valley, Cordillera at mga probinsya ng Aurora at Quezon.
Buong araw ding uulanin ang Eastern Visayas lalo na sa mga probinsya ng Samar at Leyte habang mararanasan na rin ito ng buong Visayas pagsapit ng hapon.
Asahan din ang maghapong ulan sa CARAGA region habang maaliwalas na panahon na may posibilidad na thunderstorms sa iba pang bahagi ng Mindanao.
Mataas ang tyansa ng mahihinang ulan sa metro manila pagsapit ng hapon.
Agwat ng temperatura sa Metro Manila 25 hanggang 32 degrees celsius.
*Sunrise: 6:07 ng umaga*
*Sunset: 5:26 ng hapon*
Facebook Comments