Manila, Philippines – Umiiral pa rin ang *hanging amihan* sa halos buong Luzon.
Apektado naman ng *tail-end of cold* front sa katimugang bahagi ng Luzon maging sa Visayas.
Pwedeng mag-birdwatch sa *Bundok Polis* sa Hungudan, Ifugao pero mahihinang ulan ang asahan sa Cagayan Valley at Cordillera Region.
White sand ba kamo? *Sabang beach *sa Baler, Aurora habang may panandaliang pag-ulan sa Quezon Province, Aurora, Bicol at MIMAROPA Region.
Mag-“throwback Thursday” sa ating kasaysayan sa pamamagitan ng *Magellan’s Cross* sa Cebu habang mainit at maalinsangang panahon sa buong Visayas.
Mamangka sa loob ng *Moalboal Cave* sa Zamboanga Sibugay habang mainit at maalinsangan sa Mindanao.
Maaliwalas ang panahon sa Metro Manila maliban sa mga isolated thunderstorms sa hapon.
Delikado para sa mga maliliit na sasakyang pandagat sa mga baybayin ng Northern, Eastern At Central Luzon.
*Baguio – 15°C*
*Tagaytay – 22
*Metro Manila – 26 °C*