Weather Update

Manila, Philippines – Umiiral pa rin ang malamig na hanging amihan sa Northern at Central Luzon.

Apektado naman ng tail-end of cold front ang katimugang Luzon.

May kalat-kalat na pag-ulan sa Bicol at Mimaropa Region habang may mahihinang ulan naman sa Cordillera, Cagayan Valley at Aurora Province.


Maaliwalas ang panahon sa Visayas at Mindanao na may posibilidad ng thunderstorms sa hapon o gabi.

Maulap sa Metro Manila na may isolated thunderstorms.

Agwat ng temperatura sa Metro Manila mula 25 hanggang 32 degrees celcius.

Sunrise: 6:10 ng umaga
Sunset: 5:27 ng hapon

Facebook Comments