WEATHER UPDATE

Manila, Philippines – Isa nang ganap na bagyo ang Low Pressure Area na binabantayan ng PAGASA.

Alas-kwatro kaninang hapon, huling namataan ang bagyong Vinta sa layong 735 kilometers silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 45 kilometers per hour at pagbugsong 60 kph.


Kumikilos ito sa direksyong pa-kanluran sa bilis na 20 kph.

Nakataas na ang signal no. 1 sa Surigao del Sur at Northern Davao Oriental.

Inaasahang magla-landafall ang bagyong vinta sa pagitan ng CARAGA at Davao Region bukas ng gabi o sa Biyernes ng umaga.

Facebook Comments