Weather Update

Manila, Philippines – Magiging maulan pa rin sa ilang bahagi ng bansa dahil sa umiiral na tail-end of a cold front at northeast monsoon.

I-discover ang ganda ng tinagong dagat sa Calatrava, Romblon habang maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm ang mararanasan sa Sorsogon, Masbate, Romblon, Palawan, Eastern Visayas at eastern section ng Mindanao.

Nakataas naman ang yellow warning level sa Cebu habang orange warning level sa Leyte at Southern Leyte.


Dahil dito, kanselado ang pasok ngayong araw sa lahat ng antas sa private at public school sa Naval, Biliran; Dulag at Tacloban, Leyte habang pre-school to senior high school sa Tanauan, Leyte.

Pasyalan naman ang Callao Cave sa Peñablanca, Cagayan province pero asahan pa rin ang kalat-kalat na pag-ulan sa Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley, Aurora, Quezon, natitirang bahagi ng Bicol region, Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon dahil sa hanging amihan.

Para naman sa mga gusto pa ring ma-enjoy ang malamig na panahon, pasyalan ang Baguio City kung saan patuloy ang pagbagsak ng temperatura.

Kahapon lang nang maitala sa tinaguriang “Summer Capital of the Philippines” ang 11.4 degrees celsius na mas mababa sa 11.5 degrees celsius na naitala noong December 16.

Metro manila – 22 to 31 degrees celsius

Sunrise: 6:25
Sunset: 5:46

Facebook Comments