Manila, Philippines – Magdadala pa rin ng pag-ulan ang tail-end of cold front sa ilang bahagi ng bansa.
Asahan ang maulang panahon sa Bicol Region, CALABARZON, Central Luzon, MIMAROPA kasama ang Metro Manila.
Makararanas naman ng kalat-kalat na pag-ulan sa buong Visayas.
Sa Mindanao, maghapon ang ulan lalo na sa CARAGA region.
Hanging amihan naman ang nakakaapekto sa natitirang bahagi ng Luzon.
Kasabay nito, isang bagong Low Pressure Area (LPA) ang binabantayan sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Facebook Comments