Manila, Philippines – Nagdadala na ng pag-ulan ang Low Pressure Area (LPA) sa silangang kabisayaan.
Huli itong nakita 95 kilometers east ng Butuan City, Agusan del Norte at mababa ang tyansang maging bagyo.
Magdala ng payong habang pumapasyal sa *Looc Beach* sa Surigao habang magiging mainit at maalinsangan ang panahon sa natitirang bahagi ng Mindanao.
Sumilong na sa *Monte Cueva* sa Leyte dahil mayroong isolated thunderstorms sa Visayas.
Sa Luzon, puntahan ang *Banaue Rice Terraces *kahit may mahihinang pag-ulan sa Cordillera at Cagayan Valley Region dala ng hanging amihan.
Sa Metro Manila at natitirang bahagi ng Luzon, magiging maaliwalas ang panahon.
Facebook Comments