Weather Update

Manila, Philippines – Magandang panahon para masilayan mamayang gabi sa halos buong bansa ang tatlong pambihirihang moon phenomenon.

Ito’y tinatawag na *‘Super Blue Blood Moon’**.*

Ang ‘Supermoon’ ang tawag kapag malapit ang distansya nito sa mundo.


‘Blue Moon’ naman ang tawag sa ikalawang full moon sa loob ng isang buwan.

Magkakaroon naman ng total lunar eclipse o blood moon dahil magiging kulay pula ang buwan.

Pero magiging maulan pa rin sa silangang bahagi ng Luzon Cagayan Valley, Cordillera at Aurora dahil sa hanging amihan.

Facebook Comments