Weather Update

Manila, Philippines – Hanging amihan at *trough* o buntot ng Low Pressure Area (LPA) ang umiiral sa bansa.

Sumilong sa *Lussok Crystal Cave* sa Luna, Apayao dahil may mahihinang ulan sa Cordillera, Cagayan Valley, Aurora at Quezon.

Maaliwalas ang panahon para bisitahin ang *Casa Real* sa Marinduque, ganito rin ang asahang panahon sa natitirang bahagi ng Luzon at Metro Manila.


Mamangha sa *The Ruins* sa Silay, Negros habang may kalat-kalat na pag-ulan sa Visayas.

Pasyalan ang *Fort Pilar* sa Zamboanga City habang may isolated thunderstorms sa buong Mindanao.

Doble-ingat sa mga maglalayag sa mga baybayin ng Luzon at kabisayaan dahil sa nakataas na gale warning.

Facebook Comments