Manila, Philippines – Papalabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Low Pressure Area na dating bagyong Basyang.
Huli itong namataan sa layong 240 kilometers timog—timog silangan ng Puerto Princesa City.
Apektado na lamang ng LPA ang Palawan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms.
Umiiral naman ang tail-end of cold front sa bahagi ng Bicol Region kasama ang Samar at Quezon province kung saan asahan ang maulap na panahon.
Hanging amihan naman ang nakakaapekto sa dulong hilagang Luzon.
Ang Metro Manila at natitirang bahagi ng bansa ay maaliwalas ang panahon na may isolated rain showers.
Facebook Comments