Manila, Philippines – Asahan ang mainit at maalinsangang panahon sa malaking bahagi ng bansa.
Dahil umiiral na lamang ang hanging amihan sa dulong hilagang Luzon.
Pasyalan ang *Queen Tuna Park* Sa General Santos City pero asahan ang maulang panahon sa silangang bahagi ng mindanao lalo na sa Caraga Region dala ng easterlies.
Maganda ang panahon sa buong Visayas kaya lasapin ang sariwang hanging hatid ng *Pagatpat Mangrove Park* sa Aklan.
Mag-‘island hopping’ sa *Hundred Islands* sa Pangasinan habang maaliwalas ang panahon ang sasalubong sa buong Luzon kasama ang Metro Manila.
Ligtas namang makakapaglayag ang mga mangingisda ngayong araw dahil walang nakataas na gale warning.
Kahapon, pumalo sa 37.9 degrees celsius ang heat index o naramdamang init sa Metro Manila at posibleng maramdaman ulit ito ngayong araw.