Manila, Philippines – Patuloy na binabantayan ang isang Low Pressure Area (LPA) na huling namataan nasa 290 kilometers, timog-silangan ng Davao City, Davao del Sur.
Nagdadala na ng pag-ulan ang LPA sa Mindanao at Eastern Visayas habang ang buntot o trough nito ay naghahatid ng mahihinang ulan sa natitirang bahagi ng Visayas at Bicol Region.
Umiiral pa rin ang hanging amihan sa Cagayan Valley, Cordillera at Ilocos Region.
Maulap ang panahon sa Metro Manila at natitirang bahagi ng Luzon na may isolated rain showers.
Facebook Comments