Weather Update

Manila, Philippines – Dalawang weather systems ang nakakaapekto sa bansa.

Sumilong sa mga kubo ng *Fuyot Springs National Park *sa Ilagan, Isabela dahil magiging maulan sa Cagayan Valley dala ng hanging amihan.

Malabong masilayan ang Baler bay sa *Ermita Hills* dahil may thunderstorms sa Aurora, Quezon at Bicol Region bunsod ng tail end of cold front.


Mag-island hopping sa *Bacuit Bay* sa El Nido, Palawan habang mainit at maalinsangang panahon sa lalawigan kasama ang buong kabisayaan at Mindanao.

Abiso naman sa mga mangingisda, magiging katamtaman hanggang sa maalon ang mga karagatan.

Facebook Comments