Manila, Philippines – Dalawang weather systems ang nakakaapekto sa bansa.
Ridge ng High Pressure Area (HPA) ang nakakaapekto sa hilagang Luzon habang ang easterlies ay umiiral sa silangang bahagi ng bansa.
Dahil dito, asahan ang mainit at maalinsangang panahon.
Maaliwalas ang panahon na may posibilidad ng mahihinang ulan ang asahan sa metro manila at natitirang bahagi ng bansa.
Inaasahang maximum temperature sa Tuguegarao ay aabot sa 35 degrees celsius.
Medyo mainit din ang panahon sa Metro Cebu at Cagayan de Oro na may maximum temperature na 32 degrees celsius.
Agwat ng temperatura sa metro manila ay mula 23 hanggang 35 degrees celsius.
*Sunrise: 6:11 kaninang umaga*
*Sunset: 6:04 ng gabi*
Facebook Comments