Manila, Philippines – Uulanin pa rin ang ilang bahagi ng bansa.
Ito’y kasabay ng pag-iral ng Intertropical Convergence Zone (ITCZ) sa katimugang bahagi ng Mindanao.
Asahan ang mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan sa CARAGA, Davao at SOCCSKSARGEN.
Sa Visayas, bahagyang maulap ang kalangitan na may tyansa ng pag-ulan sa hapon o gabi.
Magiging maulap naman ang kalangitan pero magiging mainit at maalinsangan ang tanghali sa buong Luzon.
Agwat ng temperatura sa Metro Manila mula 26 hanggang 35 degrees Celsius.
*Sunrise: 5:26 ng umaga*
*Sunset: 6:23 ng gabi*
DZXL558
Facebook Comments