Naging bagyo na ang dalawang Low Pressure Area (LPA) na binabantayan sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Huling namataan ang tropical storm ‘Rumbia’ sa layong 1,010 kilometers north – northeast ng extreme northern Luzon na tutumbukin ang China.
Ang tropical depression ay nasa silangang bahagi ng kabisayaan.
Bagaman at hindi papasok ng PAR ang dalawang bagyo, hahatakin nito ang hanging habagat.
Mataas pa rin ang tiyansa ng ulan sa Zambales, Bataan, Occidental Mindoro at Palawan.
Ang kanlurang bahagi ng Visayas ay magiging maulan.
Katamtaman ang ulan sa Mindanao partikular sa Caraga Region.
Sa Metro Manila, maghapon ang posibilidad ng ulan.
Sunrise: 5:42 ng umaga
Sunset: 6:18 ng gabi
Facebook Comments