WEATHER UPDATE | 2 hanggang 3 bagyo, inaasahang papasok sa bansa ngayong buwan ng Agosto

Asahan ngayong buwan ng Agosto ang pagpasok ng dalawa hanggang sa tatlong bagyo.

Ayon sa PAG-ASA, papangalanan ang mga susunod na bagyo na ‘Karding’, ‘Luis’, at ‘Maymay’.

Sa ngayon, hanging habagat lang ang nakakaapekto sa halos buong bansa.


Maghapon ang ulang asahan sa Mindoro at Palawan habang may thunderstorms sa natitirang bahagi ng Luzon

Buong Visayas ay uulanin.

Buong araw ding uulanin sa Zamboanga Peninsula, Sulu Archipelago, ARMM at Soccsksargen.

Posibleng umulan sa hapon o gabi sa Metro Manila.

Sunrise: 5:39 ng umaga
Sunset: 6:25 ng gabi

Facebook Comments