Patuloy na nagpapaulan ang Low Pressure Area (LPA) sa Mindanao.
Huling namataan ito sa layong 95 kilometro timog-silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.
Ayon kay DOST-PAGASA weather specialist Chris Perez – bukod sa Mindanao, ang trough o buntot ng LPA ay magpapaulan sa ilang bahagi ng Kabisayaan.
Nakakaapekto naman sa Northern at Central Luzon maging sa Metro Manila ang hanging amihan.
Mainit at maalinsangan naman sa Southern Luzon.
Samantala, isa pang LPA ang binabantayan na nasa 3,045 kilometers silangan ng Mindanao.
Inaasahang papasok ito ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang LPA sa Linggo at hindi inaalis ang posibilidad na maging bagyo ito.
Facebook Comments