WEATHER UPDATE | 2 LPA, binabantayan sa loob ng PAR

Dalawang Low Pressure Area (LPA) ang binabantayan sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Huling namaaan ang unang LPA sa layong 1,295 kilometers silangan ng Tuguegarao, Cagayan.

Ang ikalawang LPA naman ay nasa 425 kilometers kanluran – timog kanluran ng Subic, Zambales.


Mabababa ang posibilidad na maging bagyo ang unang LPA habang mas tiyansa na maging tropical depression ang ikalawang LPA.

Ang mga sama ng panahon ay siyang nagpapalakas sa hanging habagat na magpapaulan sa MIMAROPA, Western Visayas kasama ang lalawigan ng Zambales, Bataan, Cavite at Batangas.

Ang Metro Manila at natitirang bahagi ng bansa ay magkakaroon ng isolated rainshowers.

Sunrise: 5:40 ng umaga
Sunset: 6:23 ng gabi

Facebook Comments