WEATHER UPDATE | 2 weather systems, nakakaapekto sa bansa

Manila, Philippines – Dalawang weather systems ang nakakaapekto sa bansa.

Una, ay ang hanging amihan na umiiral sa silangang bahagi ng Hilaga at Gitnang Luzon.

Asahan ang mga mahihinang pag-ulan sa bahagi ng Cordillera at Cagayan Valley.


Ikalawa naman ay ang tail-end of cold front na nasa silangang bahagi ng katimulagang Luzon at Eastern Visayas.

Mayroon ding mga mahihinang mga pag-ulan sa Bicol at Calabarzon Region.

Maaliwalas ang panahon sa buong Visayas maliban sa mga mahihinang pag-ulan sa Samar at Leyte.

Sa mindanao, malaki ang tyansa ng pag-ulan sa Caraga at Davao Region.
Sa Metro Manila at sa nalalabing bahagi ng Luzon ay magiging maaliwalas ang panahon.

Baguio – 17°c
Tagaytay – 22 °c
Metro manila – 25°c

Facebook Comments