Manila, Philippines – Binabantayan ng PAGASA ngayon ang Low Pressure Area na namataan sa layong 275 kilometro sa kanluran, timog-kanluran ng Iba, Zambales.
Dahil dito, makararanas ang Batangas, Cavite, Mindoro, Northern Palawan, Aurora at Quezon ng maulap na kalangitan na may bahagya hanggang sa malakas na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog na posibleng magdulot ng flash floods at landslide.
Makararamdam naman ang metro manila at iba pang bahagi ng Luzon ng maulap na langit na may mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan at mga pagkulog-pagkildlat.
Samantala, kalat-kalat na pag-ulan o pagkidlat pagkulog ang iiral sa mga nalalabing bahagi ng bansa.
DZXL558
Facebook Comments