Weather update!

Manila, Philippines – Nasa ilalim ang bansa ng tinatawag na monsoon break.

Ibig sabihin, pansamantalang hindi nakakaapekto ang Southwest Monsoon o habagat sa lagay ng panahon ng bansa na tatagal ng buong linggo.

Kasabay nito, umiiral pa rin ang ridge ng High Pressure Area na nagdudulot ng mainit at maaraw na panahon.


Mayroon namang Intertropical Convergence Zone (ITCZ) na magpapaulan sa mindanao partikular Zamboanga Peninsula, ARMM at SOCCSKSARGEN.

Sa kabisayaan, magiging maganda ang panahon pero asahan pa din ang mahihinang pag-ulan na hindi magtatagal.

Sa Luzon, mainit at maalinsangan ang panahon lalo na sa mga bayan ng Tuguegarao, Isabela at Daet pero pagdating sa hapon ay uulanin ang kapuluan partikular sa Cagayan, Aurora at Cordillera.

*Temperatura: 26-33 °c*
*Sunrise* : *5:27 ng umaga*
*Sunset* : *6:26 ng gabi*

* DZXL558*

Facebook Comments