Tatlong bagyo ang binabantayan ngayon sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Ang mga bagyo ay papalayo ng bansa kaya malabo ang tiyansang pumasok ito ng PAR.
Ang unang bagyo ay ang tropical storm ‘Bebinca’ na tinutumbok ang Southern China.
Ikalawang bagyo na tropical storm ‘Rumbia’ na tinatahak ang South Korea.
Ang ikatlong bagyo na tropical storm ‘Soulik’ ay nasa karagatang pasipiko at patungo ng Japan.
Bahagya lamang pinalalakas ng tatlong bagyo ang hanging habagat na nakakaapekto lamang sa kanlurang bahagi ng Luzon.
Maulap ang panahon sa Luzon habang may maghapong ulan sa Zambales, Bataan, Occidental Mindoro at Palawan.
Ang Panay at Negros Island ay makakaranas pa rin ng pag-ulan.
Buong araw ang ulan sa Zamboanga Peninsula, Sulu Archipelago at Caraga habang may pag-ulan na sa hapon sa natitirang bahagi ng Mindanao.
Sa Metro Manila, posibleng umulan sa hapon o gabi.