Weather update!

Manila Philippines – Nanatili ang Ridge of High Pressure Area sa silangang bahagi ng bansa.

Dahil dito, maliit pa rin ang tyansa may mabuong bagyo sa mga susunod na araw habang mararanasan pa rin ang mainit at maalinsangang panahon.
Asahan ang isolated rain showers sa halos buong bansa pagdating ng hapon o gabi.

Magiging banayad hanggang sa katamtaman ang mga alon sa mga baybayin ng bansa.


Maglalaro ang temperatura mula 26 hanggang 33 degrees Celsius.

*Samatala, *ngayong araw ay *summer solstice* kung saan magkakaroon ng mahabang araw habang maikli naman ang gabi.

Pero simula bukas, unti-unting hahaba ang oras ng gabi hanggang sa pumantay ito sa haba ng araw pagdating ng Setyembre.

*Sunrise: 5:28 ng umaga*
*Sunset: 6:28 ng gabi*

*

Facebook Comments